Nakaka-frustrate
at nakakadagdag ng tigyawat sa mukha ang sitwasyon kung saan lumipas na ang
isang milenyo at hindi pa rin umaangat ang reads ng kwento mo sa Wattpad.
Darating ka sa puntong sisisihin mo ang mismong site sa kapalpakan ng kanilang
sistema. Desperado ka na, pinili mo pa ang maling kalaban.
Kalaban
mo dito ang sarili mo. Bakit gusto mong dumami ang reads ng kwento mo? Bakit
gusto mo ng maraming votes? Gusto mo bang sumikat? Kung sikat ka na, ano na’ng
kasunod?
Ang katotohanan, kaibigan, ay kahit na anong pamumursige mo, pagpo-promote, pang-i-invite ng mga readers, pag-a-update, pagbibigay ng link, kung hindi HAVEY ang kwento mo, inutil ang mga pinaggagawa mo.
Bakit
nga ba gusto mo maging successful sa Wattpad? Gusto mong mapansin? O aminin na
nating famewhore ka? O hindi mo alam ang salitang “famewhore” ngunit ito na
pala ang kalagayan mo ngayon?
Ang susunod na mga tips na mababasa mo ay para sa mga taong nangangarap makilala ng karamihan, naghahangad na sumikat, mga famewhore, mga depressed sa status ng stories nila, mga simpleng taong hindi man gustong sumikat ay nangangarap pa ring makilala at mabasa ng mga tao ang kanilang mga kwentong bahagi na ng kanilang sarili.
1.
It’s a Diary, Baby. Tratuhin mong
diary ang Wattpad, kung saan ang mga kwentong isusulat mo ay bahagi ng iyong
pang-araw-araw na pamumuhay, bahagi ng mga karanasan mo, bahagi ng sarili mo.
Walang mas hihigit pa sa kwentong may puso.
2.
Mag-ingay Ka. Sabihin na nating nasa
krisis ang talento mo sa pagsusulat. Maaagapan mo ‘yan sa pamamagitan ng
pakikipag-halubilo sa iba pang mga tao sa Wattpad. Magtanong ka. Humingi ka ng
mga payo. Higit sa lahat, make good acquaintances.
3.
Mga Numero Lang ‘Yan. Isa sa mga
nakakalason sa daan ng kasikatan ay ang numero. Wow, isang bilyong reads!
Hanep, isang bilyong followers! OMG, isang bilyong votes! Laging pakakatandaan
na mga numero lang ‘yan. Wag kang masilaw, at wag mong tignan. Mas matamis ang
hanep na kalidad ng kwento kesa sa nakakalulang dami ng reads at votes. Quality
over quantity, ayon pa sa isang random na tao. At kung hanep ang kalidad ng
kwento mo, dadami rin ‘yan. So, more or less, it’s mutual.
4.
Friends, Not Followers. Kung
tinuturing mong mga numero ang followers mo, nasa maling daan ka. Tratuhin mong
kaibigan ang bawat isa sa mga followers mo, kung saan nakikipagkwentuhan ka sa
kanila sa pamamagitan ng iyong mga kwento. Mga kaibigan silang masayang
makikinig, magbabasa at laging nandyan kung may bago kang kwentong ibabahagi sa
kanila.
5. Buksan ang Kokote. “Marami pong
grammatical errors”. Eh di, mag-review ka ng English lessons mo. “Masyado pong
wordy”. Eh di, katayin ang mga salitang nakakabanas. “Parang di ko gets ang
sentence na ‘to”. Eh di, mag-aral ka ulit ng subject-verb agreement. “You’re
po, hindi Your”. Huminga ka nang malalim at isiping ang “You’re” ay “You are”
at ang “Your” ay possessive. “Flat po ang story”. Try mong magbasa ng mga
libro. “Cliché po”. Di mo gets, no? Ibig sabihin nito, ay masyadong common ang
kwento mo. “Parang nakabasa na ako ng ganito”. Pirated DVDs are cheap. ‘Yun ang
punto, cheap. “Parang…” Oh, ano pa? “Parang…” Eh di, ikaw na maraming alam.
6.
Infinite Mode. Magsulat ka nang
magsulat. Malay mo, sa isandaang kwento na ma-publish mo sa Wattpad, may isang
havey. No offense.
7.
Wag Maging Feeler. Kahit na anong
tingala ang gawin mo sa sarili mo, nakatapak ka pa rin sa lupa. LUPA. LUPA.
LUPA. Keep that in mind.
8.
Patalsik ng Inspirasyon. Hindi naman
sa lahat ng oras ay inspirasyon mo si Daniel Padilla. Try mong ma-inspired sa
malamig na simoy ng hangin, sa kagandahan ng langit, sa mga bulaklak, sa mga
bato, sa mga isda, sa mga puno, sa mga bulate, sa mga ipis, sa sarili mo, sa
EXO, o kay Justin Bieber.
9.
Pa-impress Ka Naman Masyado. Protocol
ng pagsusulat: Write to express, not to impress. Kung gusto mo ng maraming
papuri, tumakbo kang nakahubad sa EDSA at isabit sa likod ang cardboard na may
nakasulat na “I Support World Peace”.
10.
Magpakatotoo. Wag gaguhin ang
sarili. Kung ang ugali mo’y di gusto ng karamihan, hindi mo problema iyon,
unless, nakaka-highblood ka na talaga. Maging totoo sa iyong sariling mga
kwento.
11.
Get The Hell Outside of the Box. Alam
mong creative ka. Alam mong malawak ang imahinasyon mo. Alam mong marami kang
ideya. Alam mong marami kang alam. Eh di, isulat mo na ‘yan. Bumuo ka ng
kwentong wala sa iba. ‘Yung tipong “Wow, bago ‘to ah”. Wag mong ilimit ang
sarili sa apat na kahon ng mga batas ng pagsusulat. Maging malaya ka. Gawin
mong makulay. Haluan mo ng emosyon.
12.
Multiple Choice Ito, Pre. Kung feel
mo ng maharot na kwento, eh di gawin mong maharot. Kung romance, eh di romance,
Kung humor, eh di gawin mong nakakabaliw sa tuwa. Kung horror, eh di gawin mong
horror. Ang ibang choices ay makikita mo sa Wattpad. Maraming salamat.
13.
Sundin mo ang nakasulat sa itaas, in any
order.

No comments:
Post a Comment